Ang lamok ay isa sa mga pangkaraniwan ngunit mapanganib na mga peste dito sa Pilipinas. Nakakainis ang pagbulong-bulong ng insektong ito, at ang ugali nitong pagsipsip ng dugo sa mga tao at hayop bilang kanilang pagkain. Ang mas masaklap, hindi lang nito sisipsipin ang iyong dugo, dadalhan ka pa nito ng iba’t ibang mga seryosong sakit tulad ng:
😭Dengue
😭Malaria
😭Filariasis
😭Elephantiasis
At iba pa
Kung pursigido ka sa paghahanap ng mabisang pamatay lamok sa bahay, ipagpatuloy mo ang pagbabasa ng artikulong ito sapagkat pag-uusapan natin ang mga pamatay ng lamok at kung paano sila hahadlangan sa pagbabalik muli.

✔Sambong: Epektibong pantaboy sa lamok na nagdadala ng dengue
Ang sambong ay isang kilala at mabisang halamang gamot sa iba’t ibang uri ng mga karamdaman. Pero pwede rin pala itong gamitin kung gusto mong makaiwas sa dengue dahil may kakayahan itong patayin o palayasin ang pesteng mga lamok. Ang sambong ay may mas matagal na epekto kumpara sa iba pang mga produktong pamatay ng lamok. Magsunog ilang piraso ng pinatuyong dahon ng sambong at isara ang lahat ng bintana at pinto sa bahay. Hayaan itong nakasara sa loob ng 15 hanggang 20 minuto para maging lubusang epektibo sa pagpatay at pagtaboy sa mga lamok.
✔Bawang: Hindi lang pang-kusina, pamatay ng lamok pa!
Dahil sa ito ay isang popular na sangkap sa kusina, wala sigurong hindi nakakikilala sa bawang. Pero alam mob a na ito ay isang epektibong natural na sangkap na pamatay ng lamok na nagdadala ng dengue at iba pang seryosong mga karamdaman? Mabaho ang amoy ng bawang, talagang masangsang! Ito ay ang dahilan kung bakit lumalayo ang mga lamok. Ang matapang at masangsang na amoy nito ay tutulong saiyo na makaiwas sa nakamamatay na kagat ng lamok. Kung amoy bawang ang bahay ninyo, hindi papasok ang lamok. Para gamitin ang sangkap na ito bilang pamatay ng lamok, kumuha ka ng ilang piraso ng bawang, dikdikin ito ay pakuluan. Gamitin mo itong pang-spray sa loob ng iyong bahay para mapanatili itong malaya sa pag-atake ng lamok. Kung gusto mo ang amoy ng bawang at ayaw na ayaw mong makagat ng lamok, pwede mo itong gawing body spray para tiyak na hindi ka dapuin ng lamok.
✔Yerba Buena: Halamang gamot pamatay sa lamok
Nakaamoy ka na ba ng yerba buena o mint? Kung amoy nito ay nagdadala sa iyo ng magandang pakiramdam, pwede mo itong gamiting pantaboy o pamatay ng lamok. Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa isang sikat na medikal na pahayagan, ang langis ng yerba buena o mint oil o ang mismong katas ng halamang gamot na ito ay kasing epektibo ng mga produktong pantaboy sa lamok sa loob ng bahay. Kaya, pwede mong gamitin ang mga dahon dahon ng yerba buena sa iba’t ibang paraan. Pwede kang gumamit ng vaporizer para mas madaling mapuno ng halimuyak ang kwarto mo. Pwede mo ring ipahid ang mint oil sa katawan mo o kaya ay magtanim ng yerba buena at ipwesto sa labas ng inyong bintana. Maari ka ring maghalo ng kaunting mouthwash na mint flavour sa tubig at gawin itong pang-spray sa buong bahay.

🤔✔Magtanim ng mga puno at halaman sa bakuran kung ayaw mo sa lamok!
Kung sa pag-aakala mo na ang mga puno at halaman sa palibot ng bahay ninyo ay siyang pinamumugaran ng mga lamok, nagkakamali ka! 😲✔👉Ang pagtatanim ng tamang uri ng mga puno at halaman ay isang mabisang paraan para maitaboy ang mapanganib na mga insekto. Ang mga halamang tulad ng tulsi, yerbqa buena, marigold, damong citronella, kalamansi at neem tree ay napaka epektibo para makaiwas na gaing pugad ng lamok ang iyong bahay at bakuran. Dahil diyan, makakaiwas ka sa mga sakit na maaaring dala ng lamok tulad ng dengue, malaria, elephantiasis, filariasis at marami pang iba.

😁✔ba pang mga sangkap na pamatay sa lamok
Wala pa ba sa mga nabanggit namin ang paraan na pamatay sa lamok na gusto mo? Narito pa ang ilang sangkap na maaari mong gamitin bilang pantaboy o pamatay ng lamok.

✔Neem oil.
Kung naghahanap ka ng mabisang pamatay ng lamok, bakit hindi mo subukang gumamit ng neem oil? Ang sangkap na ito na mabibili sa mga botika ay mahusay na pantaboy at pamatay ng lamok na nagdadala ng dengue sa loob ng bahay. Ayon sa isang pananaliksik, ang paghalo ng magkasindaming neem oil at langis ng niyog ay isang epektibong pamamaraan na panatilihing malaya sa mga pesteng lamok ang inyong bahay. Dahil sa ang neem oil ay pamatay din ng bacteria, fungi at virus, ang sangkap na ito ay maaaring ipahid sa balat bilang mosquito repellent. Para makagawa ng insektisidyong ito, maghalo lamang ng magkasindaming neem oil at langis ng niyog at ipahid sa mga bahagi ng katawan na hindi nadadamtan. Ito ay siyang magsisilbing panangga mo laban sa kagat ng lamok sa loob ng walong oras.

✔Eucalyptus at lemon oil:
Ang sankap na ito ay irinirekomenda ng mga ahensya ng pamahalaan sa mauunlad na mga bansa bilang mabisang pantaboy ng lamok sa loob ng bahay. Ang pinaghalong langis ng eucalyptus at lemon ay epektibong sangkap na maaaring gamiting pampahid sa katawan para maitaboy ang mapaminsalang mga insekto tulad na lamang ng lamok. Ang maganda sa sangkap na ito ay ang pagiging natural kaya asahan mong wala itong anumang masamang side effects sa katawan. Maghalo lamang ng magkasing-dami ng eucalyptus at lemon oil at ipahid sa katawan.

✔Tea tree oil.
Ang tea tree oil na mabibili sa botika ay may mga mahahalagang pakinabang sa kalusugan ng iyong balat at buhok, pero baka hindi mo alam na ito ay epektibo ring pamatay ng lamok na nagdadala ng iba pang mga sakit. Oo, ang amoy ng tea tree oil ay hindi katanggap-tanggap sa mga lamok at iba pang insekto kaya pag nakaamoy sila ng sangkap na ito, tumatakas sila papalayo. Kung gusto mong gamitin ang sangkap na ito, pwede kang magpahid sa katawan mo o maglagay ng kaunting patak sa vaporizer. Ang amoy ng tea tree oil ay maghahalo sa hangin at siyang papatay sa mga lamok na nasa loob ng bahay.

✔Citronella oil.
Ang langis na ito ay galing sad among citronella na unti-unti nang nagiging popular dito sa Pilipinas. Ang langis na ito ay kilalang pantaboy o pamatay ng lamok sa mura ngunit epektibong paraan. Dahil sa pagiging mabisa nito, ang mga tao ay nagsisimula nang lumipat mula sa paggamit ng commercial na mga kemikal papunta sa paggamit ng ✔citronella oil o extract. Pwede kang gumawa ng kandila na citronella scented o kaya ay gamitin ito sa vaporizer na mabisang pamatay sa lamok.

Mag tanim ilagay sa paso ipasok sa loob ng bahay sa gilid ng bahay sa bakuran
Panoorin ang video:
Source: Google, facebook
0 Comments
Post a Comment