Payo ni Doc. Willie Ong
Malaki ang impluwensiya ng ating kinakain sa ating kalusugan. Kapag masustansya at malinis ang pagkain mo, hindi ka agad magkakasakit. Sundin ang mga payong ito:
• Kumain ng prutas – Ang pinaka-healthy na prutas ay ang saging, kamatis, mansanas at dalandan. Ang saging ay punung-puno ng mga sangkap na mabuti sa ating tiyan, puso at katawan. Kapag kumain ka ng 2 saging sa maghapon, para ka na ring uminom ng isang multivitamin. Mas masustansya ang lakatan kaysa sa latundan o saba. Ang kamatis, ketsup at tomato sauce ay may lycopene na panlaban din sa kanser. Ang dalandan, calmansi at suha ay mayaman naman sa Vitamin C. Mabuti ito para sa sipon at sa mga may sugat.
• Kumain ng matatabang isda – Ang pinakamasustansyang isda ay iyung mataas sa Omega-3 fish oil. Ito ay matatagpuan sa sardinas, salmon, mackerel, tamban, tilapia, tunsoy at hasa-hasa. Medyo mababa ang Omega-3 ng bangus pero puwede na rin ang bangus belly. Hindi po masama ang taba ng isda. Sa katunayan ay makatutulong ito sa ating puso, utak at ugat. Magiging matalino ka pa.
• Kumain ng maberdeng gulay – Ang mga berdeng gulay, tulad ng pechay, ampalaya, kangkong, talbos ng kamote, at repolyo ay punung-puno ng vitamins at minerals na mabuti sa ating katawan. Dahil mataas din ito sa fiber, makatutulong ang gulay sa ating sikmura at bituka. Mapapaayos din ng gulay ang ating pagdumi. Malaki din ang tulong ng gulay para makapagbawas tayo ng timbang. Mababa lang kasi ang calories ng gulay. Nakakabusog pero hindi nakakataba. Kapag nagbawas ka sa karne at nagdagdag ng berdeng gulay, siguradong hahaba ang iyong buhay.
• Magpapayat – Alamin ang iyong tamang timbang at piliting maabot ito. Kung ang sukat ng iyong tiyan (sukatin sa tapat ng pusod) ay lampas sa 36 pulgada sa lalaki or 31 pulgada sa babae, ang ibig sabihin ay mataba ka na. Overweight, kaya dapat magpapayat.
Heto ang mga tips para pumayat: (1) kumain ng isang tasang kanin lang (1 cup rice), (2) umiwas sa soft drinks at iced tea, (3) mag-tubig ka na lang, (4) kumain ng mas maraming gulay, (5) magbawas sa panghimagas tulad ng mga cake at ice cream, (6) diyetahin ang pagkain ng prutas at fruit juices dahil nakatataba din ito, at (7) mag-ehersisyo.
Tandaan: Piliin ang pagkain base sa kabutihan na maidudulot sa ating katawan. Huwag lang kainin ang mga masasarap, matataba at matatamis na pagkain na masama naman sa iyo. Hinay-hinay lang po!

0 Comments
Post a Comment