Ito po Liham sa Mga Kababaihan ng Malolos mula kay Dr. Jose P. Rizal (sa Filipino) Londres, 22 February 1889. SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS:
Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuwid, anoman ang mangyari. "Gawá at hindà salitá ang hiling ko sa inyo" ani Cristo; "hindà anak ni ama ang nagsasabing ulit-ulit ama ko, ama ko, kundà Páhiná 6ang nabubuhay alinsunod sa hiling ñg aking ama." Ang kabanalan ay walá sa pulpol na ilong, at ang kahalili ni Cristo'y di kilala sa halikang kamay.
Si Cristo'y dà humalik sa mga Fariseo, hindi nagpahalik kailan pa man; hindà niya pinatabá ang may yaman at palalong escribas; WALA SIYANG BINANGIT NA KALMEN, walang PINAPAGCUINTAS, HININGAN NG PAMISA, at DI NAGBAYAD SA KANYANG PANALANGIN. Di napaupa si San Juan sa ilog ng Jordan, gayon din si Cristo sa kanyang pangangaral.
BAKIT NGAYO'Y ANG MGA PARI'Y WALANG BIGONG KILOS NA DI MAY HINIHINGING UPA? At gutom pa halos NAGBIBILI NG MGA KALMEN, CUENTAS, CORREA at iba pa, pang DAYA NG SALAPI PAMPASAMA SA KALULUA; SA PAGKAT KALMININ MO MAN ANG LAHAT ng BASAHAN SA LUPA! CUINTASIN mo man ang lahat ng KAHOY SA BUNDOK ibilibid mo man sa iyong bayawang ang lahat ng balat ng hayop, at ang lahat na ito'y PAGKAPAGURAN MANG PAGKURUSKURUSAN at pagbulongbulongan ng LAHAT NG MGA PARI sa SANGDAIGDIGAN, at IWISIK MAN ANG LAHAT NG TUBIG SA DAGAT! ay DI MAPAPALINIS ANG MARUMING LOOB, di mapatatawad ang walang pagsisisi.
Gayon din sa KASAKIMAN SA SALAPI'Y maraming ipinagbawal, NA MATUTUBOS KAPAG IKAW AY NAGBAYAD alin na ngá sa huwag sa pagkain ng karne, pagaasawa sa pinsan, kumpari, at iba pa, na IPINAHIHINTULOT KAPAG IKAW AY SUMUHOL.
Bakit, NABIBILI BAGA ANG DIOS at NASISILAW sa salaping PARIS NG MGA PARI? Ang magnanakaw na tumubos ng bula de composicion, ay makaaasa sa tahimik, na siya'y pinatawad; samakatuid ay ibig ng Dios na makikain ng nakaw? Páhiná 7Totoo bagang hirap na ang Maykapal, na nakikigaya sa mga guarda, carabineros ó guardia civil? KUNG ITO ANG DIOS NA SINASAMBA NG MGA PRAYLE, TUMALIKOD AKO SA GANYANG DIOS..
Source: Noili Me Tangere - Jose Rizal Book
0 Comments
Post a Comment