Higit sa 14 milyong pisong reward money ang ipinagkaloob ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa 12 informants sa ilalim ng Operation Private Eye na nagbunga sa pagkakaaresto ng mga drug personalities at pagkakasabat ng iligal na droga.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino ang Operation: Private Eye ay ang reward at incentive scheme ng PDEA na may layuning mahikayat ang mga sibilyan na iulat ang nangyayaring drug trade sa kanilang komunidad.
Kinilala ni Aquino ang mga mga informants sa mga code names: Ador, Sakuragi, Jacpat, Kidlat, 24, Bungo, Mike, Kulas, Sandro, Ex Boy, Abo at Agila.
Si Ador ang nakatanggap ng pinakamalaking reward na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso dahil nakatulong ang impormasyon niya sa pagkakasabat ng PDEA ng shabu na may timbang na 44,022 grams at pagkaaresto ng apat na drug personality sa Brgy. Manresa, San Juan City noong December 2016.
Si Sandro ay nakatanggap ng maliit na bahagi ng reward na P22,119 dahil sa nasamsam na 5,485 grams ng shabu at pagkatimbog ng dalawang drug suspect sa Kapangan, Benguet noong April 2017. | ulat ni Rey Ferrer
0 Comments
Post a Comment