Uso ngayong tag-init ang pagkain ng pakwan. Napakasarap nito lalo na kapag matamis at malamig ito. Pero bukod sa pagiging masarap, napakasustansya din ng pakwan at maraming naitutulong sa ating matawan.

1. Dahil 97% nito ay tubig, nakakatulong upang hindi tayo madehydrate lalo na ngayon na sobrang init.
2. May taglay itong Vitamin na nakakatulong upang naging malinaw ang mga mata
3. Mababa ito sa calories kaya naman pwede para sa mga nagpapapayat
4. May taglay na Vitamin C na nakakatulong upang mapalakas ang resistensya at makaiwas sa sakit
5. May taglay na iron na kailangan para sa ating dugo
6. May taglay na potassium at citrulline na mainam upang mapababa ang blood pressure at magkaroon ng maganang daloy ng dugo.



Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Kain na ng pakwan



Source: Doc Willie Ong